Nagtataka ako kung bakit konti lang ang mga DVD compilation ng Philippine Basketball Association at wala tayong makikitang mga video on sale sa mga malls ng mga laro noong 70's at 80's. Di kagaya ng NBA, napakaraming compilation na nagkalat kahit saang video shops. Mayron silang NBA Best Dunks, NBA best plays at kung anu-ano pa. Sa pagkakaalam ko 70's pa ata nagsimula ang PBA, pero bat ganito? Ni laro ni ng basketball icon na si Jaworski ay wala na tayong mapanood on tapes? Ano ba ang ginagawa ng taga PBA at parang wala silang ganang ipunin ang mga footage noong unang panahon para ito ay mai-DVD?
Ang sarap sigurong panoorin kapag may mga DVD ng PBA 70's Best Dunks, PBA Best Plays, PBA Legends at marami pa. Para naman mapanood ng mga kabataan ang mga dating PBA Superstar ng ating bansa dati. Kasi ang nangyayari, kadalasan ka ating mga kabataan ngayon puro mga banyagang players ang iniidolo at kilala, siyempre napapanood nila ito sa mga DVD no, kahit saan mayron silang nakikita kahit sa mga pirated stores.
Alam kong may mga lumang footage ang PBA na nakatambak lamang sa kanilang mga video library, wag sanang hayaang mabulok ng panahon ang mga yan. Sayang kung di maisalin sa VCD or DVD ang mga yan. At tiyak ko maraming matutuwa pati na ang ating mga magulang kapag nakita nila ang mga lumang laro dati sa PBA ng kanilang kabataan.
No comments:
Post a Comment