Kilala niyo ba si Roel Cortez? Marahil hindi, o mas kilala niyo siguro ang kanyang mga awitin kagaya ng Napakasakit Kuya Eddie, Sa Mata Makikita, Iniibig Kita o ang walang kamatayang Baleleng, tagalog version ha, sumunod na ata ang visayan version dun.
Siya ay singer at komposer na sumikat noong dekada 80. Ang style ng mga kanta ni Roel ay parang kagaya din ng mga kanta ni Willie Garte, yon bang tipong dalisay na pag-ibig ang dating nga mga kanta, pero ang gusto ko sa mga awitin niya ay may originality, yon bang unang rinig mo palang malalaman mo na ang genre. May sariling dating kumbaga. Di siya tulad ng mga ibang singer diyan na pasunod-sunod sa uso na hindi naman pala bagay.
Maliit pa ata ako ng sumikat ang mga kanta ni Roel Cortez, pero sa unang rinig ko palang, minahal ko agad ang kanyang mga kanta. Ang sarap kasing awitin, at madaling maintindihan ang mga lyrics na parang tumatama sa yong puso. Hehehehe. Subukan nyong pakinggan ang kanyang mga awitin, at may magugustuhan talaga kayo dun no. Di ko alam kung bakit badoy ang tawag ng iba sa kanyang mga awitin, di ba yong ibig sabihin ng baduy yong di bagay? E baduy pala ang mahihilig sa reggae music? Bakit? E wala naman tayo sa Jamaica para mag-reggae sounds kayo dito ano? Ang hirap ng iba sa atin, utak di makapilipino, inuuna pa ang mga banyagang awitin na para bang wala sila sa lupang Pilipinas.
Kahit saan pa ako mapunta, pag tinanong ako sino paborito kung singer... kasali talaga palagi si Roel Cortez. Parang nasa ulap ako pag naririnig ko ang kanyang mga awiting tagos sa puso.
No comments:
Post a Comment