Saturday, February 7, 2009

Ang Hirap Maghanap ng mga Lumang Larawan ng mga Lugar sa Pilipinas


Hindi ko alam kung bakit, pero napakahirap maghanap ng mga lumang larawan ng ating mga kalye, lugar o mga gusali dito sa Pilipinas. Hindi madaling magsaliksik kung ang pakay mo ay hanapin kung ano ang hitsura ng isang kalye halimbawa sa taong 1970's. Mayroong iilan-ilan, pero kadalasan ang hinahanap mo ay di mo talaga makikita. Halimbawa gusto mong hanapin ang lumang larawan ng kalye na malapit sa bahay mo. Saan ka pupunta sa library? sa mga bookstore? Kung may makikita ka man dudugo muna ang ilong mo sa kakatanong at kakahanap. Di ba tulad sa ibang bansa, napakarami nilang mga larawan ng kanilang kasaysayan. May nabasa pa ako dati na libro na ang lumang larawan ng isang kalye pinagtabi ang larawan ng kalye na yon kung ano na ang hitsura sa ngayong panahon. Parang THEN and NOW ang drama. Whewww.. ba't wala tayong ganyang mga aklat dito?


Di bat napakasarap tingnan kung ano ang hitsura ng ating mga lugar noong unang panahon? Pagnanonood nga ako ng National Geographic o di kaya Discovery Channel, kumpleto talaga sila sa mga larawan kung ang topic nila nangyari noong matagal ng panahon. Minsan may video pa sila na grabe na kaluma parang 1940's ang dating. E dito sa tin kahit siguro 1950's ang tema ng documentary mahihirapan na tayo maghanap kung ano ang hitsura ng Davao dati, mayron siguro mga larawan lang na iilan. Pero hindi talaga ganun kadami. Ang nasa taas na larawan ay isang Simbahan na nasa Cebu. Hanggang ngayon nakatayo parin ang simbahan na yan.


Ano kaya kung magpacontest na lang sino yong may mga lumang larawan at video ng ating mga gusali at kalye at may gantimpala? Para naman maipreserve natin ang mga to at hindi na masayang lang ang mga mahalagang bagay ng ating mga kasaysayan sa kamay ng iilan. Tiyak ko madaming nakatago sa mga lumang baul ng ating mga ninuno... na dapat makita naman ng ating bagong henerasyon.

1 comment:

  1. wow galing nmn po ninyo subrang ganda po nagulat aqo n my ganyan pa pla n picture sa nkaraan nting panahon sana po pahalagahan ang mga ganito n kasaysayan. nakita ko ito dahil nag hanap aqo ng lumang gusali o bahay n pwd ko i drawing para s anak ko

    ReplyDelete